BAMBOO. SPONGECOLA. PAROKYA NI EDGAR.
Ang tatlong OPM na banda na sobrang kinagigiliwan ko. Tatlo lamang sa anim.Yung iba ay: UpDharma Down, Silent Sanctuary at Eraser Heads (kahit na wala na sila sa industriya, mahal na mahal ko pa rin [s]si Ely Buendia[/s] ang EHeads). Bihira lamang ako magkagusto sa mga OPM na banda. Hindi dahil wala akong pagmamahal sa sarili kong bayan (I LOVE PHILIPPINES! bwahaha) kundi di ko tipo ang mga tugtuging tinutugtog nila. Katulad na lamang ng Cueshe, walang kanta nila ang nagustuhan ko.
Ngayong hapon lamang nang aking kalikutin ang laptop ng aking ama ay natagpuan ko ang mga musikang di ko alam na alam nya pala. "HUWAAAAAAAW!" namangha naman si tanga. Aking pinakingan ang lahat at ako'y naakit. Sa mga araw na ito kasi, di na ako masyadong nakakpakining ng mga awitin ng mga paborito kong banda. Kaya ng narining ko ang mga awiting ito ay di ko napigilan ang mapangiti at mapakanta sa mga 'makdamdaming' awitin.
"BINABASURA NG IBA ANG SYANG PINAPANGARAP KOOOW" Bwahaha. Natawa lang ako nang nasingit ko yung dobol-yu (W) sa kanta. HAHA :)
"EVERY COLOR, EVERY HUE, REPRESENTED BY ME AND YOU......KALEIDOSCOPE!!"
"PUNO ANG LANGIT NG BITUIN AT KAY LAMIG PA NG HANGIN SA IYONG TINGIN AKO'Y NABABALIW AT SA AWITIN KONG ITO, SANA AY MAIBIGAN MO. IBUBUHOS KO ANG BUONG PUSO KO...SA ISANG MUNTING HARANA PARA SA'YO" aww. Ang choooo-weeet (sweet). Beri mushy, lika a mashed potato. Yah, ganon ka-mushy. Men, LABO!
" hope you understand the rules and the words by heart
Cuz without further ado, i would like to start
Cuz ready or not, i hope you’re ready
Cuz ready or not, let’s do TonyTONY, TONY popo amee-mamomomy TONYYYEEEH!!" -NAME FUN by P.N.E. Pare, LSS ko yan ngayon. bwahaha :))
Magawa nga yung akin:
LYSA popo amee-mamomomy..LYSA... steeeg
" try to walk that same hill next to you
I try to be that missing part of you I tremble as I wait
In these busy, city fields
I see a million stares at me Anxiously looking
Finding the right time to see
If that sign you’re looking for, will lead to me"-> Jillian by Chris Cantada (Sponge Cola) isinulat niya iyan para sa kanyang gerlpren/kasintahan. Aww. Mashed potato na naman.
"Bakit sila nag-iinumang masaya? Ba't sa lupa magulo? Ba't sila nagtatawan ng malakas? Tinatawan lang tayo?" -> Hudas by Bamboo. (hudas ata title..di sigurado)
Aking napagtanto na magaling talaga ang pinoy. Kaya ako'y PROUD maging isang pilipino. At kung sabihin man nila na ako'y isang koreana na ipapapadeport nila (joke lang yan ng mga mahal kong kaibigan..lalo na pagnaasar sila sa'kin) wala akong pake. Di naman talaga ako Koreana. Ako'y isang pinooooy :) Suportahan natin ang ating bansa di lamang sa larangan ng musika..kundi sa lahat (Sports and etc). Tayo'y magtulong-tulong at alam ko balang araw tayo ay uunlad.
Sa bawat sumpang umiiyak singil ko ay piso
Sa bawat lumuluhang dukha alay ko’y dugo
May pag-asa ka kapatid, kaibigan
Hanga’t ako’y humihinga may pag-asa pa
WOW. Ang saya mag tagalog. Naka, ako'y napaka optimistiko kong nilalang. AYLAVHET!!!